MANILA, Philippines - Sinimulan na kahapon ng fact finding body ng Department of Justice ang imbestigasyon sa umanoy isyu ng korupsyon laban kay Presidential Commission on Good Government Chairman Camilo Sabio. Inatasan ni Acting DOJ Secretary Agnes Devanadera ang fact finding team na madaliin ang imbestigasyon sa umanoy P5 milyong dolyar na travel fund ni Sabio at ang umanoy sangkaterbang mga kamag anak na nagtatrabaho sa loob ng kanyang tanggapan bukod umano dito ang mga malalapit din nitong mga kamag-anak Nilinaw ni Devanadera na mananatiling inosente ang isang indibiduwal hanggat wala pang hatol ang korte. Ang isyu umano kay Sabio ay pawang mga akusasyon pa lamang sa kasalukuyan. (Gemma Amargo-Garcia)