RP isusulong ang common visa para sa ASEAN nationals

MANILA, Philippines - Isusulong ng Pilipinas ang pagpapatupad ng isang common visa sa mga citizen ng Association of Southeast Asian Nations sa pagsisimula ngayon (November 16) ng pulong ng ASEAN immigration chiefs at consuls sa Maynila.

Ayon kay BI Commissioner Marcelino “Nonoy” Libanan, sa pagkakaroon ng common ASEAN visa, mabibigyan ng malaking benepisyo ang mga bansang miyem­bro nito, lalo na sa lara­ngan ng negosyo, investment at tourism.

Sa ilalim ng proposal, ang mga dayuhan na may hawak na ASEAN common visa ay malayang maka­ pagbiyahe sa anu­mang ASEAN member-country nang hindi na kumukuha ng entry visa mula sa pama­halaan ng ASEAN country na kani­lang pupuntahan. (Butch Quejada)

Show comments