MANILA, Philippines - Dapat munang tiyakin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na may mapaglilipatan ang mga pamil yang squatters na kanilang ide-demolish sa Quezon City.
Sinabi ni QC Council Majority Floor Leader Atty. Ariel Enrile Inton na kung hindi magagarantiya ng MMDA at magpapakalat-kalat lamang sa mga kalsada ang mga pamilyang matatamaan ng kanilang demolisyon, hindi umano mangingimi ang City Council na sila ang magsampa ng kaso laban dito.
Isinagawa ni Inton ang panawagan ng tiyak at maayos na pabahay kasabay ng pagbabanta ng MMDA na kaka suhan ng “contempt” sa korte ang mga lokal na opisyales ng pamahalaan na mamamagitan at makikialam tuwing may demolition operation sila sa mga iligal na squatters lalo na iyong mga naninirahan sa mga “danger zones” tulad ng tabing-creek, ilog at iba pang daluyan ng tubig.
Ito’y matapos na paboran ng Korte Suprema ang MMDA at sabihin na may otoridad sila na magsagawa ng pagbabaklas ng mga iligal na obstruktura sa Metro Manila na hindi na nangangailangan ng “court order” dahil sa mandato nila ito.
Sa kasalukuyan, marami nang pamilya na unang naapektuhan ng paglilinis sa mga estero ng MMDA ang nagkalat ngayon sa mga kalsada ng Quezon City partikular na sa may Congressional Avenue. (Ricky Tulipat)