^

Bansa

Katawan ng pinugutang principal, nakita na!

-

MANILA, Philippines - Natagpuan na ng mga awtoridad ang katawan ng school principal na hinihinalang pinugutan ng bandidong Abu Sayyaff, limang araw matapos maunang makita ang kanyang ulo malapit sa police station sa bayan ng Jolo, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay Chief Supt. Leonardo Espina, PNP spokesman, ang katawan ni Gabriel Canizares ay narekober sa Sitio Kanjalah, Baran­gay Maligay Patikul, Sulu ganap na alas-3 kamakalawa ng hapon.

Nakita ang katawan ng biktima sa pamamagitan ng intelligence information at mga tips mula sa sibilyan na nagturo sa kinaroroonan nito.

Ang katawan ay agad dinala ng tropa ni Patikul Police Chief Inspector Francisco Panisan, sa Chinese Cemetery sa Sulu kung saan inilibing ang ulo nito noong Huwebes.

Lunes ng nakaraang linggo nang makita ang ulo ni Canizares sa gilid ng gasoline station sa Jolo.

Si Canizares ay dinukot ng hinihinalang miyembro ng Sayyaf sa bayan ng Patikul noong October 19 at pinugutan matapos mabigo ang pamilya nito na magbayad ng P2 milyong ransom. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ABU SAYYAFF

CHIEF SUPT

CHINESE CEMETERY

GABRIEL CANIZARES

JOLO

LEONARDO ESPINA

MALIGAY PATIKUL

PATIKUL POLICE CHIEF INSPECTOR FRANCISCO PANISAN

RICKY TULIPAT

SI CANIZARES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with