^

Bansa

'Kurakot na opisyal buwisan'

-

MANILA, Philippines - Kung hindi kayang ipa­ ka­laboso ng gobyerno ang mga nagnanakaw ng mil­yun-milyong halaga sa ba­kuran nito, patawan na lang sila ng nararapat na buwis.

Ito ang pinakamainam na solusyon, ayon sa businessman na si Joey de Venecia III, upang mapunan ang umano’y kakulangan sa mga pondo ng gobyerno.

Aniya, kung hindi rin lang kaya ng pamahalaan na ipakulong ang mga katulad ni Jocjoc Bolante, Ben Abalos at kung sinu-sino pang mga “kurakot” sa gobyerno, mas makabubu­ting patawan na lang sila ng mga kaukulang bayaring buwis.

Ayon kay Joey, bagsak ngayong taon ang kolek­syon ng Bureau of Internal Revenue, gayundin ng Bureau of Customs, dahilan upang magkaroon ng mala­king budget deficit ang pamahalaan. Ito rin, ayon kay Joey ang dahilan ng pagbibitiw ni Sixto Esquivias IV bilang pinuno ng BIR dahil sa matinding kahihi­yang sinapit ng kanyang departamento.

Nabatid ng batang De Venecia na taun-taon ay umaabot sa P200 bilyon ang nawawala sa kaban ng gobyerno dahil sa korap­syon. Ito ay base sa report na ipinalabas ng World Bank. (Butch Quejada)

vuukle comment

BEN ABALOS

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

BUTCH QUEJADA

DE VENECIA

JOCJOC BOLANTE

SHY

SIXTO ESQUIVIAS

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with