Pacquiao-Cotto fight libre sa Caloocan

MANILA, Philippines - Muling magkakaroon ng pagkakataong makapa­ nood ng “live” at libre ang mga residente ng Caloocan ng laban ng Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao sa Nobyembre 15 dahil inisponsoran ni Ma­yor Enrico “Recom” Echiverri ang pagpapala­bas nito sa mga piling lugar sa siyudad.

Ito na ang pangatlong beses na nagpalabas ang lokal na pamahalaan ng aktuwal na laban ng Peo­ple’s Champ para sa kapa­kinabangan ng mga mahi­hirap na residente at mga boxing aficionado.

Para sa mga residente ng District II maaaring mag­tungo sa mga theater rooms ng Victory Central Mall sa kahabaan ng Rizal Ave.

Sa mga residente ng District I, inatasan ng alkal­de si City Administrator Russel Ra­mirez na magla­gay ng mga pasilidad at set-up sa mga piling barangay at eskwe­lahan ng siyudad para sa laban sa Linggo.

Show comments