Indian evangelist nasa Maynila
MANILA, Philippines - Dumating sa bansa ang Indian Evangelist at pinuno ng Jesus Ministry na si Sadhu Sundar Selvaraj, kung saan magiging tagapagsalita sa komperensiya ng Intercessors for the Philippines Inc., sa darating na Nobyembre 14 dakong alas-6 ng gabi. Siya din ang magiging panauhin at tagapagsalita sa Nobyembre 15 sa ika-26 anibersaryo ng Christ the Living Stone Fellowship na gagawin din sa Ynares Sports Arena sa San Juan.
Ipinapangaral ni Sadhu ang salita ng Dios, partikular na ang katapusan ng daigdig at kung paano mabubuhay ng may kabanalan bilang Kristiyano.
Sa Nobyembre 17-19, si Sadhu ay panauhin at tagapagsalita din ng 20th year National Prayer Gathering (NPG) na gaganapin sa Waterfront Hotel, Lahug, Cebu City kung saan ito ay inorganisa ng IFP sa pangunguna ni Bishop Daniel Balais at dadaluhan ng libo-libong mga Kristiyano sa buong bansa. Si Bro. Eddie Villanueva, na tatakbo sa pagka-pangulo sa 2010, ay isa sa mga panauhin at tagapagsalita din dito. (Grace Amargo-dela Cruz)
- Latest
- Trending


















