Customs broker ibinuko

MANILA, Philippines - Ipinaabot ng isang grupo ng lehitimong Customs brokers ang kani­lang hinaing ukol sa isang broker na gumagamit di­umano ng mga pekeng kumpanya sa kanyang mga illegal activities.

Kinuwestiyon din ang status ng kapwa nila broker bilang taxpayer mata­pos mapag-alamang idi­neklara nito sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na siya ay isang “jobless.”

Ibinulgar pa ng mga brokers ang “unexplained wealth” ng hindi pinanga­lanang Customs broker na dating lokal na opisyal ng isang lalawigan.

Kabilang sa mga sina­sabing “yaman” nito ang isang cable TV company, Hotel Resort, 12-hectare farm, mga bahay at lupa at mga mama­haling sa­sakyan. (Butch Quejada)

Show comments