MANILA, Philippines - Duda si Acting Justice Secretary Agnes Deva nadera na makakaabot pa sa filling ng Certificate of Candidacy si dating Zamboanga del Sur Representatives Romeo Jalosjos para muling makasabak sa pulitika.
Sinabi ni Devanadera na duda siya dahil, hanggang ngayon, wala pa din siyang natatanggap na application for absolute pardon mula kay Jalosjos.
Kung sakali man umano na talagang nag-aplay nga ito ay malabo na rin itong makaabot sa petsa ng pagpa-file ng COC sa Nov. 20 hanggang December. 1.
Sa ngayon umano ay maraming mga application mula sa mga bilanggo ang nakapila sa kanyang tanggapan at karamihan sa mga ito ay Agosto pa lamang ay nag-aplay na sila. (Gemma Amargo-Garcia)