MANILA, Philippines - Hiniling kahapon sa Department of Foreign Affairs ng isang grupo na tumutulong sa mga nagigipit na Pilipino sa ibayong-dagat na imbentaryuhin ang libu-libong overseas Filipino workers na nagdurusa sa kulungan sa iba’t ibang sulok ng mundo upang matingnan ang kanilang kalagayan at matiyak na mabibigyan sila ng proteksyon ng pamahalaan.
Ginawa ng Blas F. Ople Center ang panawagan ma tapos na isa na namang OFW ang nakulong sa Saudi Arabia dahil sa kasong pagdadala ng ilegal na dro ga nang walang naganap na anumang court ruling.
Ayon kay Susan Ople, pangulo ng Blas F. Ople Center, ang kaso ng nasabing Pilipino ay ang ikalawang iniulat nila matapos ang pagkakakulong ng OFW na si Jonathan “Jojo” Bigas ng may 16 na buwan.
Bukod kay Bigas, humingi din ng tulong sa center ang isa pang manggagawang Pilipino na si Jason Pineda, 36, para mabigyan siya ng abogado nang makulong ng isang taon at siyam na buwan dahil din sa drug-related charge nang hindi man lamang nasesentensyahan. (Ellen Fernando)