^

Bansa

Bise ni Gibo ihahayag na

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Ihahayag na sa susu­nod na linggo ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. ang opisyal niyang magiging running mate sa halalang pampa­nguluhan sa 2010.

Sinabi ni Teodoro sa isang panayam kasabay ng pagdiriwang ng ika–70 taong anibersaryo ng Department of National Defense na malalaman na ng taumbayan sa susu­nod na linggo kung sino sa hanay ng mga contenders ang kaniyang kandidatong bise presi­dente.

Kabilang sa mga pi­nagpipilian ng maka-ad­ministrasyong Lakas-Kampi-CMD para sa running mate ni Teodoro sina Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., Tourism Secretary Ace Du­ rano at Senadora Loren Legarda.

Ang tatlo ang siyang matunog na pinagpipilian ng ruling party para ma­ging ka-tandem ni Gibo sa 2010 polls na itatapat naman sa pambato ng oposisyon.

Una nang umatras sa vice presidential race ang dating lumutang na running mate ni Teodoro na si Interior and Local Government Secretary Ronal­do Puno na nagsabing isinasantabi muna niya ang pulitika bunga ng mga nangyaring kala­midad sa grabeng epekto sa mamayan ng magka­sunod na bagyong Ondoy at Pepeng.

Ipinahiwatig naman ng Kalihim na may napi­pisil na siyang running mate bagaman tumanggi munang tukuyin ito.

Nitong Sabado ay si­nabi ni Teodoro na mag­bibitiw na siya sa puwesto sa loob ng linggong ito o sa Nobyembre 15 kung saan itinakda ang turnover sa darating na Nob­yembre 16 sa araw ng Lunes.

Tumanggi rin ang Ka­lihim na tukuyin kung sino ang kaniyang magiging successor sa Defense portfolio sa pagsasabing ipauubaya na niya ito sa mga opisyal ng palasyo ng Malacañang.

vuukle comment

DEFENSE SECRETARY GILBERTO

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

GIBO

NITONG SABADO

REVILLA JR.

SENADOR RAMON

SENADORA LOREN LEGARDA

SHY

TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with