Ebdane, LM chairman
MANILA, Philippines - Inihalal kamakailan si dating Department of Public Works and Highways Secretary Hermogenes Ebdane Jr. bilang standard bearer ng Lapiang Manggagawa sa halalan sa 2010 makaraang magpahayag ng pagsuporta sa kanya ang LM.
Kasabay ng LM National Convention sa Manila Hotel ang pagdaraos ng 46th Founding Anniversary ng partido na dinaluhan ng mga miyembro nito mula pa sa iba’t ibang panig ng bansa.
Binigyan din si Ebdane ng ganap na kapangyarihan para ireorganisa ang partido at ihanda ito sa darating na eleksyon.
Ilan sa mga pagbabagong tinukoy sa ilalim ng liderato ni Ebdane bilang LM chairman ay ang pagbabago sa pangalan ng Partido na tatawaging Philippine Labor and Peasant party; pagrerebisa at pagbabago ng Konstitusyon at By-Laws nito; at ang pagbuo ng isang selection committee upang tukuyin at magnomina ng mga kandidato para sa iba’t ibang nasyonal at lokal na elective positions.
Sa kanyang pagsasalita sa National Convention, inilatag ni Ebdane ang kanyang mga pangunahing action agenda at nanawagan rin sa mga miyembro na isulong ang pagkakaisa para makamit ang tunay na reporma at tagumpay.
- Latest
- Trending