^

Bansa

Karanasan sa ekonomiya kailangan ng susunod na pangulo

-

MANILA, Philippines - Umapela ang alyansa laban sa kahirapan at gu­tom sa nagnanais ma­ging pangulo ng bansa na kaila­ngang meron silang kapa­sidad sa pagpapa­takbo at makakapagpa-angat sa ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Crispin So­riano Jr., pangulo ng Ki­lu­san Sagip Pinoy, na ang susunod na pangulo ng bansa ay dapat may ka­ranasan sa pagpapa­takbo ng ekonomiya at maga­wang mapatakbo ang mga programang pang-ekono­miya upang masagip at malutas ang kasalatan sa bansa.

Unang inilatag ng gru­po ang kanilang pa­man­tayan sa pagpili ng bago nilang kandidato sa 2010 habang nanawagan sila para sa totoong lider na lumabas at lumahok sa mga pulitiko na na­kapag-deklara na ng kanilang intensiyon sa pagtakbo sa pampa-pa­nguluhan subalit bigo silang maabot ang ka­nilang pamantayan.

Ilan sa kanilang pa­mantayan ang magan­dang rekord sa serbis­yong pam­publiko, tapat laban sa ‘dik­ta’ mula sa mga mayaya­man at ma­kapangyarihan, May sin­seridad sa pagla­ban sa katiwalian, may kapasi­dad at tapang na haharap ang hamon sa pa­giging makataong pangulo ng bansa.

Aniya, nang tanggihan ng Senado na mapa­num­balik ang pananatili ng United States naval base sa Subic, ang lokal na ekonomiya ay bumagsak subalit ang maayos na pagpaplano ng ekono­miya ang naging daan dito na maging Freeport upang mapagkalooban ng traba­ho ang may 90,000 mang­gagawa sa naturang lugar at napa­sigla ang ekono­miya sa mga kalapit nitong lugar. (Butch Quejada)

ANIYA

BUTCH QUEJADA

CRISPIN SO

ILAN

SAGIP PINOY

SENADO

SHY

SINABI

SUBIC

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with