EO 839 di pa pwedeng alisin
MANILA, Philippines - Iginiit ni Executive Secretary Eduardo Ermita na hindi pa maaaring alisin ang Executive Order 839 na nag-uutos ng oil price freeze.
Ikinatuwiran ni Ermita na nasa state of calamity pa rin ang bansa, lalo na ang Luzon kaya di pa maaaring alisin ang pagpapatupad ng EO 839. Kinokonsidera din aniya ni Pangulong Gloria Arroyo ang mga opinyon sa pagpapatupad ng nasabing batas at walang planong lumpuhin ang oil companies.
Layon ng pagpapatupad ng EO 839 na tulungan ang mga biktima ng kalamidad sa pamamagitan nito at aalisin lamang sa tamang panahon, ngunit maaari na rin itong alisin anumang oras depende sa magiging rekomendasyon ng task force na binubuo ng Department of Justice at Department of Energy. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending