^

Bansa

Gibo-GMA sa 2010!

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Kasalukuyang pinag-aaralan ng mga lider ng makaadministrasyong partidong Lakas-Kampi-CMD ang posibilidad na ikandidato nilang bise pre­sidente sa halalan sa su­sunod na taon si Pa­ngu­long Gloria Arroyo.

Ito ang ipinahiwatig ni Lakas-Kampi-CMD senior deputy secretary general Danilo Suarez na nagsa­bing ang pagkandidatong bise presidente ang isa sa pinag-aaralan nilang pu­we­deng gawin ni Gng. Arroyo sa pagbaba nito sa puwesto sa Malacañang sa 2010.

Sinabi ni Suarez sa isang television interview na, sa isang pulong kama­kailan ng mga lider ng partido, pinag-usapan nila kung kakandidatong kon­gresista sa ikalawang dis­ trito ng Pampanga si Gng. Arroyo o maging running mate ito ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na siya namang standard bearer nila sa halalang pampanguluhan.

“Pinag-usapan namin ang posibilidad na, kung magiging miyembro siya ng House, siya ang pu­wedeng maging mahusay na Speaker kapag nahalal siyang congresswoman at nahalal din bilang Speaker,” sabi ni Suarez sa Serye forum sa Quezon City.

“Ang pinakamaganda niyan, kapag nakumbinsi siyang kumandidatong bise,” sabi pa ni Suarez na isang kongresista mula Quezon. “Tignan natin dito, meron kang bise presi­dente na may karanasan at ka­ libreng tulad ni Arroyo. Magiging asset siya ng sino mang magiging presi­dente.”

Kinontra naman ito ni Bayan Muna Rep. Neri Col­manares na nagsabi naman na imposible ang iniisip ni Suarez dahil, ayon sa Konstitusyon, hindi na eligible sa re-election ang presidente.

“Pag vice president siya at nanalo yung dalawa at mag-resign o mamatay yung presidente babalik na naman si Arroyo, siya na na­man yung ating presi­dente,” sabi pa ni Colma­nares.

Una nang sinabi ng election lawyer na si Ro­mulo Macalintal na maa­aring tumakbo si Pangu­long Arroyo sa kahit na anong posiyon sa gob­yerno basta’t mababa ito sa pagka-pangulo.

Sinabi pa ng abogado na ang ipinagbabawal lamang naman ng batas ay ang re-election para sa mga naging Pangulo na ng bansa.

BAYAN MUNA REP

DANILO SUAREZ

DEFENSE SECRETARY GILBERT TEODORO

GLORIA ARROYO

GNG

LAKAS-KAMPI

NERI COL

QUEZON CITY

SHY

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with