MANILA, Philippines - Sinampahan ng isang ne gosyante ng kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act sa Office of the Ombudsman ang pangulo ng government-owned National Agribusiness Corp. (NABCOR) kasama ang limang opisyal ng Bids and Awards Comittee (BAC) nito kaugnay ng planong pagbili ng ice making machines na nagkakahalaga ng P456 milyon.
Ayon kay Allan Ragasa ng 1937-A Leveriza St., Pasay City, bibilhin ng NABCOR sa Integrated Refrigeration Systems and Services, Inc. (IRSSI) sa ha lagang P4,649,183.67 bawat isa ang 98 units ng ice-making machines gayong mabibili lamang ito sa local at international sa halagang P2.3 million per unit.
Ang mga kinasuhan ay sina Allan Javellana, presidente ng NABCOR; Romulo Relevo, chairman ng BAC at mga miyembrong sina Dennis Lozada; Winston Azucena; Melody de Guzman at Encarnita-Cristina Munsod.
Isang linggo bago ang bidding, sinabi ni Ragasa na nagulat ang bidders nang maglabas ng supplemental bid bulletin ang BAC na nagre-require sa lahat ng bidders na magsumite ng toxicology test result, hindi sa makina, kundi sa alcohol solution para matiyak kung pasado o ligtas ang mga marine products kapag nai-frozen sa produktong ini lalako ng bidders.
Sumunod sa proseso ang mga bidders ngunit pag karaan pa ng dalawang linggo bago makuha ang resulta ng eksaminasyon. Gaya ng inaasahan, nabigo ang maraming bidders, maliban sa IRSSI na nakapagtatakang mayroon na agad dokumento ng “toxicology result”.
Anya, ang pag-aaward ng project sa IRSSI ay maaari umanong ikalugi ng gobyerno. (Butch Quejada)