^

Bansa

MILF tutulong

-

MANILA, Philippines - Tinatanggap ng Mala­cañang ang alok na tu­long ng Moro Islamic Liberation Front sa paglutas sa pag­ dukot sa Irish priest na si Fr. Michael Sinnot.

Sinabi ni Deputy Pre­sidential Spokesman at Press Undersecretary Anthony Golez na, kung sin­sero ang alok na tu­long ng MILF, ‘welcome’ ito sa Pa­lasyo upang makalaya ang nasabing pari na dinukot sa Paga­dian City.

Ayon kay Golez, mala­king tulong din ang alok ng MILF upang mahi­kayat ang sinasabing may ha­wak sa pari na palayain ito nang hindi magba­bayad ng hini­hinging $2 milyong ransom.

Tiniyak din ni Golez na ginagawa ng local crisis ma­ nagement committee ang lahat ng makakaya upang lig­tas na mapalaya si Fr. Sinnot.

Sinasabing isang al­yas Kumander Abu Jayad ang may hawak sa nasa­bing pari subalit mariing itinanggi ng pamunuan ng MILF na tauhan nila ang nasabing abductor ni Fr. Sinnot. (Rudy Andal at Doris Franche)

vuukle comment

DEPUTY PRE

DORIS FRANCHE

GOLEZ

KUMANDER ABU JAYAD

MICHAEL SINNOT

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PRESS UNDERSECRETARY ANTHONY GOLEZ

RUDY ANDAL

SHY

SINNOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with