MANILA, Philippines - Tatlong dayuhang barko ang sumadsad matapos hampasin ng malalaking alon at malakas na hangin dala ng bagyong si “Santi” kaya napilitang tumabi sa bahagi ng Cavite at Maynila kahapon ng umaga, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard.
Ang dalawang Singaporean-flagship vessels na M/Tug Kimrans na sakay ang siyam na Indonesians at Barge Toll 3319 na may kargang uling ang gumilid muna sa bahagi ng breakwater sa Manila International Container Terminal’s dakong 5:00 ng umaga, kahapon.
Bandang alas-6:17 naman ng umaga, isang Panamanian-flagship cargo vessel din ang gumilid din malapit sa bisinidad ng firing range sa Sangley sa Cavite. (Ludy Bermudo)