Warning system ng PAGASA popondohan ng Korea

MANILA, Philippines - Upang higit na mamo­nitor ng PAGASA ang mga bagyong dumarating sa bansa, maglalaan ng pon­do ang South Korean government sa ahensiya para makabili ng early warning system na tutulong na mag­bigay ng impormas­yon sa ahensiya kapag may kala­ midad.

Ayon kay PAGASA Director Prisco Nilo, may hala­gang $3-milyon ang pro­yekto na lalagay sa Pasig-Marikina river basin.

Ang Pasig City at Mari­kina City ang higit na na­apek­tuhan ng bagyong On­doy kaya prayoridad itong maunang benepis­ yuhan ng proyekto sa Metro Manila.

Ang proyekto ay kaka­ palooban ng flood forecasting, early warning systems at emergency response. (Angie dela Cruz)

Show comments