P15 milyon donasyon ng Que­zon City sa mga biktima ng bagyo

MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Que­zon City Council ang P15M donasyon para sa mga naging biktima ng dala­wang bagyong nagdaan.

Ayon kay City Council Majority floor leader Councilor Ariel Inton, ang nasa­bing halaga ay ibinigay sa National Disaster Coordinating Council para mai­hatid ang tulong sa mga biktima ng bagyo sa Central at Northern Luzon at   sa rehabilitasyon nito.

Ang Quezon City Coun­cil ay una ng nagpalabas ng P500M calamity fund matapos na tamaan din   ng hagupit ng bagyong Ondoy at Pepeng ang   mga residente dito.

Samantala, nagpanu­kala naman ang ilang mambabatas sa Kongreso sa pagtataas ng pondo ng calamity fund ng NDCC matapos na masimot ang pondo nito sa rescue, relief at rehabilitation sa mga biktima at nasalantang lugar habang kinontra din ni Inton ang pagsusulong sa Kongreso para sa isang batas na magpapataw ng buwis sa text messaging. (Angie dela Cruz)

Show comments