^

Bansa

Price control sa petrolyo

- Malou Escudero, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Inobligahan kahapon ng Department of Energy ang mga kumpanya ng la­ngis na magbaba ng pres­yo ng lahat ng produktong petrolyo.

Isinagawa ni DOE Sec­retary Angelo Reyes ang hakbang nang maki­pag­pulong siya kahapon sa mga opisyal o kina­tawan ng mga kumpanya ng langis.

Unang binasa ni Re­yes ang isinasaad ng Executive Order 839 ni Pangu­long Gloria Maca­pagal-Arroyo na nagsa­sabi na ma­aring magpa­tupad ng “price ceiling” ang pama­ha­laan sa oras ng “national emer­ gency”.Ibinase umano ito sa nilalaman rin ng Oil Deregulation Law.

Iginiit ni Reyes na da­pat sundin ng mga kum­panya ng langis ang kau­tusan ng Pangulo kung saan kaila­ngang ibalik ang halaga ng la­ngis sa presyo nito noong Oktubre 15.

Una nang nagpatupad ng rollback ang Unioil at Flying V kamakalawa ng gabi bilang pagtugon sa kautusan ng Pangulo na ibalik sa Oktubre 15 ha­laga ang langis habang nasa ilalim ng “State of Calamity” ang bansa.

Tumugon na rin ang Chevron Philippines sa kautusan.

Epektibo ang pagpa­pa­baba sa kanilang pres­yo dakong alas-12:01 ng ma­daling araw ngayong Mar­tes sa buong Luzon ha­bang nasa “state of calamity” pa ang bansa.

Winakwak kahapon ni dating National Economic and Development Authority Director General at ex-Senator Ralph Recto ang tinaguriang ‘Big 3’ sa ka­walang intensyong mag-roll back sa presyo ng ga­solina.

Pero pinuri naman ni Recto ang Unioil na naga­wang magbaba ng pres­yo.

Sinabi ni Recto na, kung kayang magbaba ng presyo o magpatupad ng rollback ng Unioil, mala­king katanungan aniya kung bakit hindi ito ma­gawa ng tinaguriang Big 3 at iba pang oil players.

Sa Malacañang, si­nabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na nais ipabatid ng gobyerno sa mga oil companies na kahit umiiral ang oil deregulation law ay may kapangyarihan pa rin ang gobyerno sa oras ng ka­lamidad upang pro­tek­ta­han ang mamamayan.

Sinabi pa ni Ermita na handa ang DOJ na kasu­han ang sinumang hindi tutupad sa nasabing ka­utusan ni Pangulong Arroyo.

ANGELO REYES

CHEVRON PHILIPPINES

DEPARTMENT OF ENERGY

EXECUTIVE ORDER

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

FLYING V

GLORIA MACA

NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHORITY DIRECTOR GENERAL

SHY

UNIOIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with