^

Bansa

14 mayors dawit sa droga

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Dapat umanong ila­gay sa preventive suspension ng Department of Interior and Local Governments ang mga al­kalde na sangkot sa tina­tawag na “Narco-Politics,” ayon kay Dangerous Drugs Board Chairman Vicente “Tito” Sotto.

Kamakailan lamang, binanggit ni Sotto na may­roon humigit kumulang na 14 alkalde ang kanilang minamanmanan sa buong Pilipinas dahil sa pagka­kasangkot sa ipinagbaba­wal na gamot.

Dalawa anya ay ga­ling sa Metro Manila, da­lawa sa Visayas, lima sa Mindanao, at ang natiti­rang lima ay galing Lu­zon.

Ayon kay Sotto, may kasunduan na ang DDB at DILG upang masus­pinde ang mga alkaldeng sang­kot sa illegal na dro­ga.

“Kapag mayroong nangyayaring illegal drug trade sa kanya (mayor), pagkatapos mayroon ka pang matatagpuang clandestine laboratories dun sa area niya, maliwanag na dereliction of duty na yun, kasama sa duty niya yun. May ugnayan na kami ng Department of Interior and Local Government. Una muna mag­kakaroon ng suspension habang ini­imbestigahan siya,” sabi ni Sotto.

Ang naturang listahan ng mga alkaldeng bina­banggit ni Sotto ay nasa kamay na ni Pangulong Arroyo.

Matatandaang sa Ta­guig, pinangunahan ng Phil­ippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang buwagin ang tina­tawag na “Tinga Drug Syndicate”. 

Sa kasalu­ku­yan, pito na sa nasabing grupo ang naaresto sa ibat ibang operasyon ng mga awtori­dad. Ito ay sila Noel, Joel, Fernando, Allan Carlos, Alberto, Bernardo at Hector Tinga. Lahat ng mga na­huli ay nagsabing ka­mag-anak daw sila nila Taguig City Mayor Fred­ die Tinga at former Supreme Court Justice Dante Tinga.

Ang mag-amang Tinga ay malapit na kaalyado ni Pangulong Arroyo.

ALLAN CARLOS

CHAIRMAN VICENTE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG SYNDICATE

DRUGS BOARD

PANGULONG ARROYO

SHY

SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with