^

Bansa

Kaso ng AIDS patuloy sa paglobo

-

MANILA, Philippines - Patuloy sa pagdami ang kaso ng Human Immunodeficiency Virus/Acquired Immunodeficiency Syndrome sa bansa na umabot na sa 4,082 mula noong 1994 hanggang sa kasalu­kuyan at 318 dito ang naitalang binawian na ng buhay.

Sa pinakahuling ulat, nitong Agosto 2009, may 61 panibagong kaso na naitala ang National Epidemiology Cen­ter ng Department of Health na pawang natukoy na HIV-Ab zero positive, ayon sa pag­kum­pirma ng STD/AIDS Cooperative Central Laboratory.

Sa talaan ng HIV and AIDS Registry, lumilitaw na ang naturang bilang ay mas mataas ng 49 por­siyento kumpara sa na­italang 41 kaso la­mang noong Agosto, 2008.

Umabot na umano sa 493 ang kabuuang bilang ng mga bagong kaso ng HIV-AIDS mula Enero hanggang Agosto ng taong kasalukuyan at isa ang namatay.

Kabilang sa mga bagong kaso ang apat na lalaki na may full-blown AIDS na at 92 porsyento ay pawang lalaki sa kabuuang kaso na may age range na mula 20 hanggang 54 taong gulang.

Nagmula umano sa National Capital Region ang 34 kaso o 56 por­syento at 10 o 16 porsi­yento ay pawang mga overseas Filipino workers. Nabatid din na pawang nakuha nila ang sakit sa pakikipagtalik bagamat wala pang naiulat na na­sawi sa nasabing buwan. (Ludy Bermudo)

ACQUIRED IMMUNODEFICIENCY SYNDROME

AGOSTO

COOPERATIVE CENTRAL LABORATORY

DEPARTMENT OF HEALTH

HUMAN IMMUNODEFICIENCY VIRUS

KASO

LUDY BERMUDO

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with