BOC official binatikos

MANILA, Philippines - Binatikos ng Professional Customs Brokers Association of the Philippines (PCBAPI) sa pangu­nguna ng kanilang pa­ngulo ang isang opisyal ng Bureau of Customs kaug­ nay sa promotion na ibibigay dito dahil sa mga kaso na kina­haharap nito.

Tinuligsa ni Agapito Mendez Jr., pangulo ng PCBAPI, ang isang Atty. Rogel Gatchalian na pi­gilan ang pagbibigay dito ng promotion at i-demote pa ito sa tungkulin.

Ayon kay Mendez, si Gatchalian ay may mga kaso umano sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y paglabag sa Graft and Corrupt Practices Act. 

Hini­ling din ng grupo sa Integrated Bar of the Philippines na i-disbar si Gat­chalian. (Butch Quejada)

Show comments