MANILA, Philippines - Nadiskubre ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang may 18 toneladang smuggled onion sa isang cold storage plant sa Tondo, Maynila.
Ayon kay PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., aabot ng P5 milyong smuggled na sibuyas mula sa Malaysia at Holland ang nadiskubre sa Luz 1 Cold storage and Ice plant sa San Rafael village, Simeon de Jesus St. Balut, Tondo.
Noong ininspeksyon ng PASG ang nasabing storage na inoukupahan ng Lawrence Printing Services na pag-aari ni Lawrence Tiu Gatchalian ay walang nakitang kargamento dito subalit ng biglaang inspeksyunin ito kahapon ni PASG senior technical assistant Efren Cura ay natuklasan ang nasabing mga sibuyas.
Nabigo naman si Gatchalian na magpakita ng kanyang import permits para sa nasabing farm products.
Nagreklamo ang mga miyembro ng Katipunan ng mga Samahan ng Magsisibuyas ng Nueva Ecija dahil sa malawakang smuggling ng sibu yas na nagpapabagsak sa kanilang sector. (Rudy Andal)