^

Bansa

BI relief efforts sinimulan

-

MANILA, Philippines - Maging ang mga opis­yal at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) ay namigay na rin ng mga relief goods sa mga bik­tima ng bagyong Ondoy at Pepeng sa mga residente ng Laguna at Pangasinan.

Pinangunahan ni BI Commissioner Marcelino Libanan ang pamimigay ng mga relief goods sa mga residente ng San Pedro, Laguna at Dagupan City.

Ang nasabing relief operations ay bahagi umano ng “Oplan Sagip sa Kapwa Pilipino” kung saan inilun­sad ng BI habang nasa kasagsagan ng dalawang magka­sunod na bagyo noong nakaraang linggo.

Mahigit sa 2,4000 na plastic bags ng mga relief goods ang ipinamahagi ng grupo ni Libanan sa mga residente ng San Pedro na nagtipon-tipon sa Central Elem. School.

Sumunod na araw nag­tungo naman ang grupo nila Libanan sa San Carlos City, Lingayen at Dagupan upang mamahagi ng relief goods

Nabiyayaan sa natu­rang lugar ang may 2,000 pamilya mula sa 13 baran­gay. (Gemma Garcia)

BUREAU OF IMMIGRATION

CENTRAL ELEM

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

DAGUPAN CITY

GEMMA GARCIA

KAPWA PILIPINO

LIBANAN

OPLAN SAGIP

SAN CARLOS CITY

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with