^

Bansa

Fr. Sinnot patay na?

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Mistulang bulkang su­mabog kahapon ang mga balitang namatay na umano ang kinidnap na si Irish priest Fr. Michael Sinnot matapos itong ata­kehin sa puso habang ipi­nagpapalipat-lipat ng lugar ng mga kidnappers sa Western Mindanao.

Gayunman, ayon kay Armed Forces of the Philippines-Western Command Chief Lt. Gen. Ben Mohamad Dolorfino, wala pa silang kumpirmasyon sa bagay na ito at kasa­lukuyan pa nilang bine­beripika ang naturang impormasyon. Ituturing nilang tsismis ito hangga’t walang pruweba.

Huling insidente na namataan ng tropa ng pamahalaan si Fr. Sinnot ay noon pang nakalipas na Miyerkules.

Binanggit ni 104th Infantry Brigade Comman­der Lt. Col. Benito de Leon na nakatanggap rin sila ng nasabing impormasyon pero hangga’t walang nailulutang na bangkay ay hindi nila ito maaring basta na lamang paniwalaan.

Idinagdag pa nito na wala rin silang ‘sightings’ sa dayuhang pari na huling napaulat na duguan ang ulo matapos na saktan ng mga kidnaper ng pumalag ito habang kinakaladkad ng mga armadong bandido.

Si Sinnot ay dinukot ng anim na mga armadong kalalakihan noong Okt.11.

Iginiit naman ni US Ambassador Kristie Kenney na hanggang intelligence gathering lamang ang puwe­deng ibigay na tulong ng US forces sa AFP sa pag­liligtas kay Sinnot.

Sinabi ni Kenney na sa ilalim ng Visiting Forces Agreement, hindi puwe­deng makialam ang US sa anu­ mang panloob na suli­ranin lalo sa combat operations. (May ulat ni Rudy Andal)

AMBASSADOR KRISTIE KENNEY

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES-WESTERN COMMAND CHIEF LT

BEN MOHAMAD DOLORFINO

INFANTRY BRIGADE COMMAN

MICHAEL SINNOT

RUDY ANDAL

SHY

SI SINNOT

SINNOT

VISITING FORCES AGREEMENT

WESTERN MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with