^

Bansa

Pekeng gulong kumakalat

-

MANILA, Philippines - Umaangal na ang mga miyembro ng Tire Importers and Traders Association of the Philippines dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga substandard o mababang uri ng mga gulong na ipinapakalat umano ng isang Chinese national.

Kinilala ang dayuhan na si Chen Ren Hao na guma­gamit ng alyas na Ruben Tan at inirereklamo ng mga mi­yem­bro ng naturang grupo bunga na rin ng buma­bag­sak nilang negosyo dahil sa sinasabing iligal na ‘pag­papalusot’ ng una. Isa itong incorporators, stockholder at miyembro ng Board of Directors ng Luxuriant PhilMarketing, Inc. na matatagpuan ang bodega sa Meridian Industrial Complex Brgy. Balibago, Sta Rosa, Laguna.

Sinabi ng grupo na nagkalat na umano sa bansa ang nasabing mga pekeng produkto na ibinabagsak umano sa malalaking outlet na madaling mabili ng mga kustomer.

Sa unang tingin ay maganda ang produkto, subalit kapag nagamit na ay mabilis itong nadudurog na maaring ikapahamak o ikamatay ng nakabili.

Peke rin umano ang ibinibigay na resibo sa kanilang mga kustomer na malaking kawalan sa kita ng gobyerno. (Butch Quejada)

BOARD OF DIRECTORS

BUTCH QUEJADA

CHEN REN HAO

ISA

KINILALA

MERIDIAN INDUSTRIAL COMPLEX BRGY

RUBEN TAN

STA ROSA

TIRE IMPORTERS AND TRADERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with