Break para sa rehistro hiniling
MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si Labor Secretary Marianito Roque sa mga pribadong kumpanya na payagan ang kanilang mga empleyado na makalabas pansamantala sa oras ng trabaho para makapagparehistro sa Commission on Elections.
Ginawa ni Roque ang panawagan habang nalalapit ang Oktubre 31 na huling araw ng pagpaparehistro ng mga boboto sa halalan sa susunod na taon.
Ayon sa kalihim, dapat payagan ng mga employer ang kanilang mga empleyado na makapagparehistro kahit pa oras ng kanilang trabaho.
Base anya sa kanilang ipinalabas na advisory kamakailan, inaatasan nila ang lahat ng mga employers na sumunod sa “Continuing Voter’s Registration Act of 1996.”
- Latest
- Trending