^

Bansa

P10-M rice allowance inaprub

-

MANILA, Philippines - Umaabot sa P10 mil­yong halaga ng pondo ang nakatakdang ilabas ng pamahalaang lokal ng Quezon City matapos na aprubahan ng Sangguni­ang Panglungsod ang ordinansa para sa pagbi­bigay ng “rice allowance” sa mga regular na emple­yado ng pamahalaang lungsod.

Pinangunahan ni Coun­cilor Ariel Inton, majority floor leader, ang pagpa­pasa ng Ordinance No. 1949-2009 na inapru­ba­han ng mayorya ng kon­seho para sa naturang pondo.

Huhugutin ang pondo sa Personnel Services Fund ng 2010 Annual Budget ng pamahalaang lungsod habang ibibigay ang “rice allowance” kada katapusan ng isang quar­ter ng taon.

Sinabi pa ni Inton na tulad ng mga empleyado sa pribadong sektor, nara­rapat ring bigyan ng ka­rampatang insentibo ang mga empleyado ng pama­halaan upang makatulong sa nararanasang krisis sa ekonomiya at mga sunud-sunod na kalamidad na inaasahang marami pang tatama sa bansa. (Ricky Tulipat)

ANNUAL BUDGET

ARIEL INTON

COUN

HUHUGUTIN

INTON

ORDINANCE NO

PERSONNEL SERVICES FUND

QUEZON CITY

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with