Utang ng Pinas 'wag muna bayaran

MANILA, Philippines - Dapat ipagpaliban muna ng pamahalaang  Arroyo ang pagbabayad ng isang taon sa utang-panlabas ng bansa upang magamit ang naturang pera sa pag-ahon ng ekono­ mi­ya matapos na tamaan ng magkasunod na delubyo.

Kinastigo ni Milo Tanchu­ling, ng National Anti-Po-verty Commission, ang pla­no ng pamahalaan na umu­tang ng may $1.1 bilyon o katumbas na P50 bilyon    sa International Monetary Fund at World Bank na ga­gamitin umano para sa re­ha­bilitas­yon ng bansa ma­tapos ang napakalaking   pag­­kawasak sa mga inpras­­-t­raktura, agrikultura at pa­g­kasawi ng marami.

Iginiit ni San Pascual na hindi dapat umutang ang Pilipinas kundi dapat mani­ngil sa mga 1st World Countries tulad ng Estados Uni­dos dahil sa sila umano ang may kagaga­wan ng naga­ga­­nap na “climate change” sa buong mundo dahil sa emis­yon nila ng nakalala­song kemi­kal na nagiging daan sa “greenhouse effect”.

“Kasalukuyan pong   may P48,000 na utang ang ba­ wat Pilipino ngayon bu-hat sa mga utang-pan­la- bas na ginawa ng pama­- ha­­laan. Sa halip na muling umutang   sa mayayamang bansa na ito na siya na­mang may kagagawan ng “climate change” ay mas dapat natin silang pagba­yarin dahil sa sila ang sanhi ng pagkasira na ating nara­nasan,” ani Tanchuling.

Ipinaliwanag nito na bik­­tima ang Pilipinas at iba pang third world countries sa mga basura sa hangin na ikinakalat ng mga ma­yayamang bansa na lalo pang nagbabaon sa atin sa kahirapan dahil sa pag- pa­pautang sa halip na kusang-loob na pagtulong. (Danilo Garcia)

Show comments