MANILA, Philippines - Nakatakdang isampa na ang kasong murder laban kay dating Pangulong Joseph Estrada kaugnay sa Dacer-Corbito double murder case.
Ito ang kinumpirma ni Atty. Demetrio Custudio na nagsasabing posibleng ngayong linggong ito, isusumite sa Department of Justice (DOJ) ang amended complaint na nagdidiin kay Estrada sa pagpatay kina publicist Salvador “Bubby” Dacer at driver na si Manuel Corbito.
Nabatid kay Custudio na nilagdaan at napanum- paan na umano nina Carina Lim, Sabina Reyes, Emily Hungerford at Amparo Henson, mga anak ni Dacer ang draft amended complaint sa harap ng consul generals ng New York, California noong nakalipas na linggo at inaasahang pabalik na ang nasabing dokumento sa Pilipinas para naman sa pagsasampa nito sa DOJ.
Pinagbatayan sa nasabing reklamo ang testimon- ya ni dating police Sr. Supt. Cesar Mancao II, sa Ma- nila Regional Trial Court noong nakalipas na Setyem-bre 3 na nag-uugnay sa krimen kay Estrada.
Magugunitang sinabi ni Mancao sa pagdinig sa sala ni Judge Myra Garcia-Fernandez na si Estrada umano ang nasa likod ng Oplan Delta dahil ito umano ang sinabi sa kaniya noon ni dating Sr. Supt. Michael Ray Aquino.
Una nang nagharap ng reklamong murder laban kay Sen. Panfilo Lacson ang magkakapatid na Dacer sa DOJ na tinapos na rin kamakailan ang preliminary investigation.
Nadawit si Lacson sa testimonya din ni Mancao na ito ang nag-utos sa pagpatay kina Dacer at Corbito noong ito pa ay hepe ng Philippine National Police na namumuno din sa nabuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force. (Ludy Bermudo)