MANILA, Philippines - Maghihigpit ang Department of Labor and Employment sa pag-iisyu ng employment permit sa mga dayuhang magtatrabaho sa bansa.
Ayon kay Labor Secretary Marianito D. Roque, bibigyan lang ng pagkaka taon ang mga dayuhan na magtrabaho sa bansa kung walang local workers na maaring mailagay sa isang bakanteng posisyon kung saan ito ay batay sa Department Order No. 97-09 na naghihigpit sa alien employment permits habang ang Article 40 ng labor code ay nag-aatas sa mga dayuhan na kumuha ng employment permit mula sa DOLE. (Mer Layson)