PASG nagbabala sa pekeng agent

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon si Presidential Anti-Smuggling Group chief Under­secretary Antonio Villar Jr. sa mga pekeng PASG agent na nangongotong sa mga negosyante.

Sinabi ni Usec. Villar, ipinaabot sa kanya ni Valenzuela Mayor Sher­win Gatchalian na isang Gabriel Alipio ang nagpa­pakilalang PASG at NBI agent sa mga negosyante at nangingikil ito sa Va­lenzuela.

Napag-alaman na da­ting empleyado ng Valen­zuela City sa Business Permits and Licensing Office si Alipio pero ini­reklamo ito ng pango­ngotong sa Ethics board hanggang sa magbitiw ito.

Sinabi ni Mayor Gat­chalian, inihahanda na nila ang kasong criminal laban kay Alipio kasabay ang pakiusap nito sa PASG na magpalabas ng babala upang hindi maka­pang-biktima ng negos­yante ito sa pagpapang­gap na PASG at NBI agent.

Nauna rito, isang pe­keng PASG agent na si Henry Mariano ang na­aresto sa pangongotong sa isang negosyante sa Marikina City. (Rudy Andal)

Show comments