Mga hayop, may holiday na rin
MANILA, Philippines - Idedeklarang special non-working holiday ang Oktubre 4 bilang “National Pet Day” para pagkilala sa kahalagahan ng mga alagang hayop.
Sa Senate Bill 3485 na inihain ni Senador Miriam Santiago, isinaad nito na dapat magkaroon ng kaalaman ang publiko sa pagpapahalaga sa mga alagang hayop na bukod sa kinagigiliwan ay nakatutulong pa sa kalusugan, dahil may mga hayop na itinuturing na therapy animals tulad ng aso na nakatutulong sa pagtatanggal ng stress at nagbibigay ng seguridad.
Sa pag-aaral, lumilitaw na nababawasan ng 2% ang tsansa na magkaroon ng heart attack kung nag-aalaga ng hayop.
Ang Oktubre 4 ang feast day ni St. Francis of Assissi na patron ng mga hayop at kalikasan.
Sa ngayon ay may 71 milyon pamilya na ang nag-aalaga ng hayop ngunit hindi nabibigyan ng tamang pag-aalaga.
Ang nasabing senadora ay nalilibang din ngayon sa pag-aalaga sa hindi hihigit na sampung aso. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending