MANILA, Philippines - Susuportahan ni Quezon City Council Majority Floor Leader Councilor Ariel Inton ang mga residente ng Quezon City na nais buma lik sa kanilang probinsiya matapos na maapektuhan ng bagyong Ondoy.
Ipapanukala ni Inton sa konseho ng QC na paglaanan ng pondo ang programang “Balik Probinsiya” para sa mga residenteng nais na lang bumalik sa kanilang probinsiya at magkaroon ng kabuhayan matapos na masalanta ng bagyong Ondoy.
Aniya, ang nasabing programa ay “long term solution” ng lokal na pamahalaan at maiwasan na ang pinsalang dulot ng bagyo. Maging ang paglilinis sa mga drainage system ay isinusulong din nito, kaya naman pinapayuhan din ang mga residente dito na di na bumalik sa kanilang bahay sa gilid ng creeks.
Bunsod nito’y, isa ang mga bus companies na hihi ngian ng tulong ni Inton para maghatid ng libre sa mga pamilya sa kanilang mga probinsiya. (Angie dela Cruz)