^

Bansa

'Balik Probinsiya' sa Ondoy victims

-

MANILA, Philippines - Susuportahan ni Que­zon City Council Majority Floor Leader Councilor Ariel Inton ang mga resi­dente ng Quezon City na nais buma­ lik sa kanilang probinsiya matapos na maapektuhan ng bagyong Ondoy.

Ipapanukala ni Inton sa konseho ng QC na pagla­anan ng pondo ang progra­mang “Balik Probinsiya” para sa mga residenteng nais na lang bumalik sa ka­nilang probinsiya at magka­roon ng kabuhayan mata­pos na masalanta ng bag­yong Ondoy.

Aniya, ang nasabing pro­grama ay “long term solution” ng lokal na pamaha­laan at maiwasan na ang pin­­salang dulot ng bagyo. Maging ang paglilinis sa mga drainage system ay isinusulong din nito, kaya naman pinapayuhan din ang mga residente dito na di na bumalik sa kanilang bahay sa gilid ng creeks.

Bunsod nito’y, isa ang mga bus companies na hihi­ ngian ng tulong ni Inton para maghatid ng libre sa mga pamilya sa kanilang mga probinsiya. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

ANIYA

BALIK PROBINSIYA

BUNSOD

CITY COUNCIL MAJORITY FLOOR LEADER COUNCILOR ARIEL INTON

INTON

ONDOY

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with