Libro ng oil firms pinabubuklat ni GMA
MANILA, Philippines - Iniutos kahapon ni Pangulong Arroyo na gamitin ng Department of Energy (DOE) ang visitorial power nito para mabusisi ang libro ng mga oil companies sa gitna ng mga reklamo hinggil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga LPG at iba pang petroleum products sa gitna ng kalamidad.
Nais din ng Pangulo na makipag-ugnayan ang Department of Trade and Industry at National Economic Development Authority sa DOE upang masiguro na hindi lumalampas sa suggested retail price ang mga oil companies sa kanilang mga produkto tulad ng LPG at iba pang lubricants na gamit sa mga nasirang mga sasakyan na nilubog sa baha.
Sakop din ng price control ang mga presyo ng bigas, pero hindi ang iba pang agricultural products tulad ng mga gulay.
Iniulat naman ni Trade Sec. Peter Favila na tumaas na rin ang mga ginawang pag-aresto ng DTI, NBI at PNP sa mga negosyanteng nahuli sa overpricing, hoarding at profiteering. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending