Daan pa-Baguio City bukas na

MANILA, Philippines - Bukas na ang mga pangunahing daan paak­yat sa Baguio city kung kayat hindi na kukulangin ang supply ng gasolina dito.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Under­secre­tary Romeo Momo, bukas na sa lahat ng klase ng sasakyan ang Naguillan road, saman­talang ang Kennon Road ay para sa mga light vehicles lamang.

Idinagdag pa ni Momo na puspusan ang gina­gawa nilang pagkukum­puni sa mga daang paak­yat ng Baguio na lubhang nasalanta ng pagguho ng lupa dahil kay Pepeng. 

Posibleng ngayong hapon umano ay bukas na rin sa publiko ang Marcos highway.

NIlinaw pa nito na aabu­tin ng isang buwan bago matapos ang general rehabilitation sa mga paakyat ng Baguio dahil nahihirapan umano silang ipagdugtong ang mga naputol na daan gaya ng Marcos Highway at Ken­non Road.

Bukod dito kailangan din ang malaking halaga upang tuluyan maisa­ilalim sa rehabilitasyon ang nasabing mga lugar. (Gemma Garcia/Rudy Andal)

Show comments