^

Bansa

Pinas pahinga muna sa bagyo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Limang araw na maka­kapahinga sa bagyo ang Pilipinas matapos ang pananalasa nina Ondoy at Pepeng.

Ayon kay Dr. Prisco Nilo, administrator ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), pan­­samanta­lang hindi muna marara­nasan ng bansa na atake­hin ng bagyo sa loob ng li­mang araw ma­tapos na tuluyang lumayo sa ban­ sa si Pepeng na kasalu­ku­yang tumatahak patu­ngong South China Sea.

Sa pag-alis ni Pepeng, hindi na umano ito magka­karoon ng epekto sa ating bansa, ngunit magkaka­roon pa rin anya ng pag-ambon sa ilang bahagi ng Luzon.

Sa ulat ng Pagasa, si Pepeng ay nasa layong 360 km west ng Laoag City, na may lakas na ha­nging 55 kph sa gitna.

Si Pepeng, na naging super typhoon ngunit hu­mina matapos na bumag­sak ito sa Northern Luzon ng tatlong beses.

Samantala, may 16,000 ektarya ng pananim sa Cagayan province ang napinsala ng typhoon “Pe­peng” makaraang ruma­gasa ito sa Northern Luzon kamakailan.

Magkagayunman, ayon kay Agriculture Secretary Arthur Yap, ang pinsala ay hindi naman makakaapekto sa food security ng bansa.

Tiniyak pa ng kalihim na handa ang pamahalaan sa pag-import ng bigas at iba pang produktong pang-agrikultura kung kinaka­ilangan.

Nauna ipinahayag ni Yap na ang pamahalaan ay may sapat na stocks ng bigas hanggang matapos ang taon sa kabila ng pananalakay ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Samantala, siniguro na sa kagawaran ng donor countries at international organizations na magka­ka­loob ito ng $3.9 million halaga ng crop production assistance sa mga magsa­saka, par­tikular sa National Capital Region at Region 4-A na grabeng sinalanta ang kanilang pananim ng bagyong Ondoy.

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

DR. PRISCO NILO

LAOAG CITY

NATIONAL CAPITAL REGION

NORTHERN LUZON

ONDOY

PAGASA

PEPENG

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with