'Most corrupt' na opisyal ng DA pangalanan! - Nene

MANILA, Philippines - Nais makilala ni Senate Minority Leader Aqui­lino “Nene” Pimen­tel Jr., kung sino ang un­dersec­retary ng Department of Agriculture na tinawag ng isang congressman mula sa Sa­mar na pinaka-corrupt na opisyal ng ahe­nsiya.

Ayon kay Pimentel, hindi sapat ang ulat na may nasigawang under­sec­re­tary sa isinaga­wang closed-door hearing ng ahensiya sa Mababang Kapulungan ng Kongre­so dahil dapat malaman ng publiko kung sino ang nasabing opisyal.

Sinabi pa ni Pimentel na dapat paimbestiga­han din si DA Sec. Ar­thur Yap dahil sa napa­ulat na pagpapalabas ng milyon-milyong piso mula sa departamento para pa­boran ang dis­trito sa Bohol kung saan napa­paulat siyang tatakbo.

Mahalaga aniyang hindi pinagdududahan ng publiko ang inte­gridad ng mga department heads.

Samantala, pinagpa­pa­liwanag din ni Pimentel ang Department of Agrarian Reform dahil sa pon­do nila para sa 2008 at 2009 na walang listahan kung saan gagamitin.           

Noon umanong Peb­rero 15, 2008 ipinalabas ang P350 milyon sa account ng DAR kahit walang listahan ng mga proyek­tong paggaga­mitan. Bu­kod pa rito ang P223 milyon pondo ng DAR. (Malou Escudero)

Show comments