^

Bansa

P1-B flood control project ng DPWH, MMDA 'di napakinabangan kay Ondoy

-

MANILA, Philippines - Pinabubusisi ng isang kongresista ang tang- ga­pan ng Department of Public Works and Highway (DPWH) at Metro Ma­nila Development Au­tho­rity (MMDA), para mag­­bigay linaw hinggil sa P1 billion flood control warning system pro­ ject na da­pat ginamit no­ong hagu­pitin ng bag­yong Ondoy ang Metro Manila at kara­tig probin­siya na nag-iwan ng daan-daan namatay na tao at billion halaga ng mga si­ nirang ari-arian.

Sinabi ni Nueva Viz­caya Rep. Carlos Padilla, kailangan magpaliwa-nag ang DPWH at MMDA kung bakit hindi ito gina­mit o naging operational noong nagkaroon ng mga bagyo sa bansa.

Napag-alaman, kaya hindi raw ginagamit para sa monitoring ng mga bag­ yo ang flood control war­ning system dahil saksa­kan daw ng mahal ang maintenance nito at hindi kayang gastusan umano ng gobyerno.

Nagtataka si Padilla, kung bakit binili ito gayun dapat aniya ay nagkaro­on muna ng project study bago ito binayaran.

Ang nasabing flood control warning system ay nakatiwangwang la­mang sa isang lugar at hindi ginagamit noon pang isang taon.

Ayon sa political observers sa Kamara, mis­­tu­lang Bataan nuclear plant ang proyekto ng DPWH at MMDA dahil matapos gastusan ay hin­ di naman ito ginamit.

“Sinayang lang nila ang pera ng taong ba- yan na siyang nagbaba­yad nito sa mga inutang ng pa­mahalaan,” anang mga po­litical observers. (Butch Quejada)

AYON

BUTCH QUEJADA

CARLOS PADILLA

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAY

DEVELOPMENT AU

KAMARA

METRO MA

METRO MANILA

NUEVA VIZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with