^

Bansa

300,000 squatters aalisin

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa mahigit 300,000 squatters sa Manggahan floodway na sumasakop sa Pasig City, Metro Manila; Cainta at Taytay sa lalawigan ng Rizal ang pinaplano ng pamahalaan na ilipat ng lugar upang hindi na ma­ulit pang muli ang delubyo ng flashfloods na idinulot ng bagyong Ondoy.

Ayon kay Defense Sec­retary at National Disaster Coordinating Council (NDCC) Chairman Gilberto “Gibo“ Teodoro Jr., lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat na ang wala sa lugar na pagtatapon ng basura ng mga ‘illegal settlers‘ par­tikular na sa Manggahan floodway ang sanhi ng pagbabara ng daluyan ng tubig kaya kahit nakaalis na sa bansa ang bagyong Ondoy ay hindi pa rin humuhupa ang baha.

“Kung ito ang solus­yon sa problema, dapat nga silang ihanap ng relocation site, madadaan naman yan sa dialogue,“ ani Teodoro nang mata­nong sa posibleng pag­mamatigas na umalis sa lugar ng pamilya ng mga squatters.

Partikular na duma­nas ng grabeng pagbaha ay ang Cainta at Taytay sa Rizal; Pasig City ga­yundin ang Marikina City.

Sa kasalukuyan ay kalbaryo pa rin ang dina­ranas ng mga residente sa mga lugar na hindi pa rin bumababa ang tubig baha kabilang na ang lungsod ng Pasig at Ca­inta kung saan ay tinata­ga ang mga biktima ng si­ngil ng mga bangkero mula P50-P100.

Kabilang sa mga lugar na inirekomendang ga­wing relocation site ay ang mga ligtas na lugar sa lalawigan ng Laguna, Rizal at Bulacan.

Ani Teodoro, kaila­ngang ang relocation site, bukod sa ‘accessible area’ ay dapat na ligtas sa mga ililipat na squatters.

Samantala, umaabot na sa mahigit P10.55 bil­yong halaga ang pinsala sa magkasunod na bag­yong Ondoy at Pepeng na humagupit sa bansa.

ANI TEODORO

CAINTA

CHAIRMAN GILBERTO

DEFENSE SEC

MANGGAHAN

ONDOY

PASIG CITY

RIZAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with