JDV III tumulong din

MANILA, Philippines - Maging ang negos­yan­teng si Joey De Venecia III ay namahagi rin ng tulong sa mga nasalanta ng bag­yong Ondoy noong naka­raang linggo sa Marikina City.

Ayon kay De Venecia, katuwang ng kanyang grupo ang ilang miyembro ng Philippine Army na namigay ng mga relief goods at paglilinis ng basura.

Hindi aniya inaasahan ni De Venecia na tutulong ang nasabing mga sundalo sa kanilang relief and rescue operation sa Brgy. Sto.Nino, Marikina City kung saan gumamit pa sila ng 10 ma­lalaking payloader, 20 dump truck, 10 generator set, 10 water tank at 10 pressure washer. Kasabay din nito ang pamimigay ng grupo ni De Venecia ng 100 pala, 100 kalakay at 200 walis-tingting sa mga residente rito.

Show comments