GMA nabahala sa basura

MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ni Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo ang lahat ng alkalde at ang Metro Manila Development Authority na bilisan ang pangongolekta ng mga basura sa kanilang mga hurisdiksyon. Sinabi sa kanila ng Pangulo na dapat obligahin ang mga kolektor ng basura na bilisan ang paghahakot ng basura at kung kulang ng truck ay dapat na magdagdag. 

Nangangamba ang Pa­ngulo na baka dahil sa pagkaantala ng pagkolekta sa basura ay lumikha pa ito ng mga sakit sa komunidad dala ng maruming mga basura na hanggang ngayon ay hindi kinokolekta. (Rudy Andal)

Show comments