MANILA, Philippines - Inilunsad ang Oplan 10-10 ng mga supporters ni Senator Francis ‘Chiz” Escudero III para sa kandidatura nito sa 2010 national election.
Ang nagpakilalang grupo ng ‘‘Generation X’’ ay nagpakalat umano ng yellow sticker sa Metro Manila, ilang araw bago ang ika-40th birthday ni Escudero sa Oktubre 10, Sabado, kung saan magiging legal na ang pagtakbo nito bilang pangulo sa 2010.
Nakapaloob sa yellow sticker ang mga katagang “Barya lang po sa umaga..10-10 sa 2010, kung saan nakadikit umano ito sa mga transport group at lihim na kumi-ki-los ang nabanggit na grupong ito bilang paghahanda sa nakatakdang deklarasyon ni Escudero sa kanyang kandidatura ngayong Oktubre 12, araw ng Lunes.
Kumalap din umano ng suporta si Escudero mula sa malalaking grupo ng tricycle operator and driver association (TODA) mula South Fairview, Quezon City, San Juan, Maynila, Kalookan hanggang San Mateo Rizal.
At bago pa man tuluyang sumulong ang 10-10 stickers ay una ng naipakalat sa mga media organi-zation ang yellow sticker na nakasaad na “Ang tunay na Yellow, Keso”, na tumutukoy kay Escudero dahil “Chiz” ang palayaw nito. (Butch Quejada)