^

Bansa

Paglilinis ng basura inutos ni GMA

-

MANILA, Philippines - Inatasan ni Pangulong Gloria Arroyo ang mga local government officials na linisin ang mga tambak na basura sa kani-kanilang nasasakupang lugar na iniwan ng baha dahil sa bagyong Ondoy.

Sinabi ng Pangulo sa isi­ nagawang National Disaster Coordinating Council (NDCC) na kinakaila­ngan ng malinis ang mga national highways maging ang mga secondary roads dahil nagiging sanhi na rin ito ng pagsisikip ng trapiko, lalo na noong kasagsagan ng bagyong Ondoy.

“We really have to clean the garbage on the secondary roads,” sabi ng Pangulo kay Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando.

Dapat din aniyang hili­ngin ng mga lokal na opis­yal sa mga pribadong kon­traktors ng mga ito na mag­dagdag ng truck na nagha­hakot ng basura at dapat din aniyang magsagawa ng “voluntary works” ang mga pribadong kompanya na maghakot ng kanilang dumi.

Matapos ang delub­yong hatid ni Ondoy ay nag­kalat ang bundok ng basura sa mga lansangan, lalo na sa Marikina City. (Malou Escudero)

DAPAT

MALOU ESCUDERO

MARIKINA CITY

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

ONDOY

PANGULO

PANGULONG GLORIA ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with