^

Bansa

Bureau of Immigration sali sa typhoon relief effort

-

MANILA, Philippines - Maging ang Bureau of Immigration (BI) ay nakiisa na rin sa iba pang empleyado ng gobyerno sa pamimigay ng mga relief goods para sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy na nanalasa noong nakaraang linggo.

Sa kautusan ni BI Commissioner Nonoy Libanan, ini­lun­sad nito ang Oplan Sagip sa Kapwa Pilipino na nag­lalayon na magbigay ng tulong sa gobyerno sa pa­mimigay ng ayuda sa mga naging biktima ng bagyo.

Itinalaga ni Libanan bilang chairman ng committee si BI executive Director Franklin Littau na magsagawa ng relief program at magplano kung paano maka­kalikom ng pondo at donasyon na ipamimigay sa mga residente na naapektuhan ng baha.

Itinatag ni Libanan ang Task Force isang araw bago atasan ni Pangulong Arroyo ang lahat ng ahensiya ng gob­yerno at tumulong sa relief at cleanup operations sa mga area na lubhang naapektuhan ng baha. (Gemma Garcia)

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER NONOY LIBANAN

DIRECTOR FRANKLIN LITTAU

GEMMA GARCIA

ITINALAGA

ITINATAG

KAPWA PILIPINO

LIBANAN

OPLAN SAGIP

PANGULONG ARROYO

TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with