Aboitiz Group relief operations para sa mga biktima ni Ondoy

MANILA, Philippines - Tumatanggap ng mga donasyon ang Aboitiz Group of Companies para sa mga biktima ng pagbaha dulot ng bagyong Ondoy na tumama sa Luzon noong Set. 26.

Ang mga hindi nasisirang kagamitan (kagaya ng de-latang pagkain, damit, powdered milk, huwag lamang ang noodles at pera) ay tinatanggap sa lahat ng 2GO outlets sa Cebu, Bacolod, Cagayan de Oro, Dumaguete, Davao, General Santos, Iloilo, Puerto Princesa, Tagbi­laran at Zamboanga.

Para sa mga nasa Cebu, maaaring ibigay ang mga donasyon sa Aboitiz head office na matatagpuan sa Gov. Manuel A. Cuenco Avenue, katabi ng Cebu Country Club.

Show comments