Walang Pinoy sa Indon quake

MANILA, Philippines - Wala pang Pinoy na iniulat na nasawi o nasu­gatan sa 7.9 magnitude na lindol na yumanig sa isla ng Sumatra sa Indonesia kamakalawa.

Sa ulat ni Philippine Ambassador to Indonesia Vidal Querol sa Department of Foreign Affairs, nakausap na umano niya ang mga Filipino community leaders sa nasabing bansa at walang may naiulat na naapektuhan ng pagyanig.

Ayon kay Querol, wala umanong Pinoy sa Su­matra ang nadamay sa kalamidad at hindi rin ga­anong malakas ang na­ramdamang pagyanig sa Jakarta.

Mas higit umano ito na naramdaman ng mahigit 50 Pinoy sa lalawigan ng Aceh ang lindol.

Mahigit 236 na ang patay sa nangyaring lindol habang mahigit 500 na­man ang sugatan ayon sa mga opisyal sa nasa­bing bansa.

Sa ngayon ay may­roong mahigit 1,000 Filipino sa Sumatra. (Ellen Fernando/Mer Layson)

Show comments